Monday, 28 September 2015

Ang Aking Munting Kahon










         Sabi nila kailangan mong umalis sa sarili mong kahon at ipakita ang totoong ikaw sa mundo. Iyon ang naging dahilan ko kung bakit ako lumabas sa kahon. Maaari palang maging extrovert ang dating introvert. Nang matuto akong lumabas sa aking kahon ay madalas ko ng gawin iyon. Diba  minsan sinasabihan tayo na iwasan ang paglaki ng ulo. Aaminin ko, nangyari na sa akin ang pinakaayaw kong mangyari, Ang maging mayabang. Nang unti-unti kong napapansin itong pagbabagong ito sa akin siyempre binalikan ko ang dating ako. Bumalik ulit ako sa aking kahon pero hindi ko ito isinara. Bukas pa rin ako, ngunit kailangan kong magbago.



     Dati hindi ko masabi sabi at mabukas ang aking nais sabihin. Salamat sa nag-imbento ng blogging. Sa blog ko lahat nabubuhos lahat ng saloobin ko at ang maganda roon ay hindi nila kilala kung sino ba ako. Nakapagsulat na rin ako ng aking "undone book" sa Wattpad. Impluwensya na rin siguro ng aking mga napapanuod kaya unti-unti akong nag-iba. Mas naging marunong at umiba ang pagtingin ko sa mundo. Hindi lahat nakakaintindi sa akin, lalo na ngayong college. Iba iba kami. Ako mahilig sa pag-alam at kuryus sa mga bagay bagay samantalang sila ay palaging love life ang pinag-uusapan. Kaya ito ako, hindi makapag-open ng topic na kung saan talagang interesado ako. Kaya masasabi kong introvert ako. Ang aking kahon sa sandaling iyon ay ang internet, ang aking blog.



         Ngunit sabi nga nila, walang permanente sa mundo, ang iba nga sinasabi na walang forever, lahat nag babago. Kagaya ng paruparo unti-unti akong nagbago "metemorphosis ba". Nagkaroon ng iba't ibang kulay ang aking pakpak. Ang dating introvert nagon'y naging social butterfly na.



      Masasasabi kong minsan kailangan kong mapag-isa. Hindi lahat ng gusto ko ay masasabi ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi mo masasabi kung sino ang totoo at kung sino ang nakamaskara lang. Sa dami ng tao sa mundo alam kong hindi lang ako ang nakakaranas nito. Nasabi ko ito kasi madami na akong nabasang nobela. Mga nobela na kung saan ang aking mga nararamdaman ay hindi lang pala nag-iisa sa mundo. Marami pala kaming nakakaramdam nito. Ang mga libro ang aking naging kahon.  Binigyan ako ng mga pangaral kagaya ng gnagawa ng aking mga magulang.
Ang pinaka-impluwensya ng mga libro ay ang pagpapa-realize sa aking kung gaano kaimportante ang buhay. Na mas maraming mas kailangang pangalagahan kaysa sa mga materyal na bagay. Na sa isang iglap ay maaaring mabaliktad ang mundo. Na bawat isa sa atin ay kayang makamtan ang mga pangarap. Sa isang libro pa lamang ay nasubukan ko na ang iba't ibang buhay ng iba't ibang tao. Sa isang oras ng pagbasa ko ay nakapaglakbay na ako.


       Ang mga libro ang nanghila sa akin at nag-"enflate" ng paglaki ng ulo ko. At ito, bumalik na ang dating ako. Kaya naman dito sa aking paaralan ang aking munting kahon ay  ang aming silid-aklatan. Sanctuary ko ang aming silid-aklatan.
                                                                                                                                                                                 
Sa paaralan, ang aking munting kahon ay ang aming silid-aklatan. Dito ay may unlimited access kami sa libro. Maaaring ang iba ay dinadaanan lamang nila ito pero para sa akin, ito ang aking "heaven". Masaya ako kapag nakakapagbasa ako ng libro. Minsan nga nakakaranas ako ng last book syndrome. Ito ang tawag naming mga bookworm sa pakiramdam ng hindi makapag-move on sa nabasang libro at dahil diyan nahihirapang magbasa ng bagong nobela.

Minsan nga hindi ko na namamalayan ang oras. Madalas nga akong magpuyat dahil nais kong tapusin ang isang akda. Minsan napapa-isip din ako, na mapalad ako at hindi nangyari sa akin ang mga trahedya na nangyayari sa mga tauhan sa kwento. 

Feel at home ako sa library, kulang na nga lang humilata ako at kumain sa loob pero syempre alam kong bawal iyon. Sobrang halaga ng library sa akin. Kulang ang isang paarlan kung walang library. Kasi sa library maraming utak na maaaring makatulong sayo. Ang mga libro rin na hinawakan ko ay nahawakan at nabasa na ng mga taong tanyag ngayon. Ang isang akda ay parte na rin ng kasaysayan, at habang binabasa ko, nagiging parte na rin ako ng kasaysayan.

Naniniwala ako na ang isang guro ay kailangang may utak, at ang parte ng utak niya ay ibabahagi niya sa mga kabataan. Ang layunin ko bilang guro ay mabawasan ang mga ignorante at mangmang, at paano ko kaya ito magagawa kung ako rin ay kabilang sa kanila. Alam kong munti pa lang itong kahon kong ito pero malaki ang impluwensya nito sa buhay ko.


Bakit kaya may notion na kapag nasa library ,e nerd agad. Ang sagot ko naman , " we are not nerd, we just tend to be smarter than you". Kaya kapag ikaw ay mahilig magbasa at nahihiyang pumunta sa library, huwag mong isipin ang hiya kasi sila ignorante ikaw hindi. Binabasa pa lang nila, nabasa mo na.






Friday, 18 September 2015

Marka na Dinadala, Paaralan ang Lumikha

      Sa buong buhay ko paaralan na ata ang pangalawang lugar na madalas kong puntahan. Bahay-eskwela, bahay-eskwela, iyan ang "routine" ko araw-araw. Marahil iniisip niyo na nakakasawa ito, pero para sa akin isa ito sa mga obligasyon ko bilang anak. Una akong nahahasa sa bahay pero malaki ang impluwensya ng aking paaralan sa akin. Kung ano ako ngayon ito ay dahil sa paghubog sa akin ng aking paaralan. Ako dati ay nakatago lang sa aking kahon, sa apat na sulok ng aking silid. Ni minsa'y hindi naisip na lumabas, ngunit dahil sa aking paaralan, ang dating cocoon ngayon naging paru paro na. Ang kulay ng aking pakpak ay ang kulay na naipinta sa akin ng aking paaralan. Kulay na nagmarka na, at ni kailanman ay dadalhin ko na hanggang sa aking pagtanda. Marahil ay nagtataka kayo kung ano nga ba ang mayroon sa aking paaralan. Tara at ating alamin sa blog na ito.





Nagsimula akong mag-aral dito noong nasa hayskul palang ako at hanggang kolehiyo dito na ako nag-aral. Tinatawag na BEACON OF WISDOM IN THE NORTH ang aming paaralan at hindi na ako nagtataka kung bakit. Maliban sa pagiging garantisadong mataas na kalidad ng edukasyon ay isa ring Catholic School ang aming paaralan. At dahil isa iong Catholic School mayroon kaming maliit na kapilyang matatagpuan sa paaralan. Ito ay bukas para sa lahat at mayroon din namang simba tuwing Linggo at kahit sino ay maaaring dumalo sa pagdiriwang ng misa.

May maliit din na groto na matatagpuan sa tabi ng kapilya bilang pagpapakita ng debusyon sa Inang Birheng Maria. Araw-araw pinapalitan at inaalayan bilang pagpapakita ng debusyon at pagmamahal sa Ina.

Sa pagpasok palang sa aming paaralan ay makiita na kung gaanoalaga kagandang mag-aral dito dahil pambungad pa lang,ang turnstile at ang mga istriktong mga gwardya. Dito ay ita-tap mo lang ang iyong ID at makikita na ang iyong mukha sa monitor at ito na ang magsisilbing iyong attendance.










Tuwing may free time ay maaaring tumambay sa cafe na matatagpuan sa bungad pa lamang ng aming napakagandang paaralan. May mga shades na maaaring pagkainan at kung saan ay maaaring makipag-usap sa mga kaibigan. Mababait din ang mga crew dito at habang nilalasap mo ang sarap ng iyong kinakain ay ma-eenjoy mo rin ang view ng grandstand namin.



Ang  grandstand namin ay eco-friendly, punong puno ng halaman at may mga upuan kung saan ay makakarelax ang mga estudyante habang nilalanghap ang sariwang hangin. Dito kami nagrerebyu tuwing exam namin. Maganda talagang tumambay dito kasi sa spot na ito mabilis ang free wifi.

Kung mas gusto mo naman ng mas tahimik na tambayan ay pumunta ka sa YOUTH GARDEN. Mula sa napakagandang landscaping hanggang sa napakagagandang mga halaman talagang makakapag-isip ka ng maayos dito.




Kapag nagkataon naman na mas hilig mong tumingin sa isda, fountain o umupo sa damo , sa PEACE GARDEN ka dapat magpunta. Dito kami madalas gumawa ng props at magpractice ng aming mga roleplays. May mga mesa at upuan din dito.










Garantisadong hindi ka naman male-late kapag ikaw ay nagmamadali dahil sa napakaluwang na hallway. Sinadya nilang gawing maluwang ito dahil ang pinaka-focus nila ay ang kapakanan naming mga estudyante. Bawat yapak ay makikita ang mga proyektong nagawa na ng aming paaralan. Mga pinagsikapan ng bawat guro at estudyante upang makamtan. Meron din kaming daanan na rin para sa mga disabled person dahil dito sa aming paaralan bawal ang diskriminasyon at bullying.








Kumpleto ang aming paaralan sa mga kailangan ng mga estudyante, kapag kailangan magkompyuter o magsearch , madali na lang iyan dahil sa silid-aklatan namin na napaka-hightech. Gumagamit ito ng OPAC or online catalogue kung saan mas pinadali na ang paghahanap ng libro. Maaari rin magkompyuter dito  at kapag nais mong magdiscuss kasama ang grupo may discussion rooms din sa bawat palapag ,magpareserve ka lamang. Mayroon din kaming e-book o electronic book. Saan ka pa?




Mayroon din sariling gym ang aming paaralan na kung saan nagaganap ang P.E. classes. Dito din ginaganap ang mga pagdiriwang sa paaralan. Kumpleto ito, mula sa lightings at mga musika. May bleachers din ito kung saan ay magkakasya ang buong kolehiyo ng eskwelahan.











          Iyan ang aking paaralan at ipagmamalaki ko ang bawat mayroon ang aming paaralan. Bawat sulok nito ay may mga alaalang nakatago. Bawat estudyante ay may sikretong naitago sa bawat pader ng paaralan. Saang pamilya ka man galing, ano man ang iyong naging nakaraan, sa aming paaralan ay tanggap na tanggap ka. Dahil sa aming paaralan , pamilya ang turingan. Kung nais pang malaman kung ano pa ang magagawang hiwaga ng paaralan namin sa paghulma sa iyong katauhan, bakit hindi subukan itong bisitahin kahit minsan lang, siguradong hindi ka magsisisi.