Sabi nila kailangan mong umalis sa sarili mong kahon at ipakita ang totoong ikaw sa mundo. Iyon ang naging dahilan ko kung bakit ako lumabas sa kahon. Maaari palang maging extrovert ang dating introvert. Nang matuto akong lumabas sa aking kahon ay madalas ko ng gawin iyon. Diba minsan sinasabihan tayo na iwasan ang paglaki ng ulo. Aaminin ko, nangyari na sa akin ang pinakaayaw kong mangyari, Ang maging mayabang. Nang unti-unti kong napapansin itong pagbabagong ito sa akin siyempre binalikan ko ang dating ako. Bumalik ulit ako sa aking kahon pero hindi ko ito isinara. Bukas pa rin ako, ngunit kailangan kong magbago.
Ngunit sabi nga nila, walang permanente sa mundo, ang iba nga sinasabi na walang forever, lahat nag babago. Kagaya ng paruparo unti-unti akong nagbago "metemorphosis ba". Nagkaroon ng iba't ibang kulay ang aking pakpak. Ang dating introvert nagon'y naging social butterfly na.
Ang pinaka-impluwensya ng mga libro ay ang pagpapa-realize sa aking kung gaano kaimportante ang buhay. Na mas maraming mas kailangang pangalagahan kaysa sa mga materyal na bagay. Na sa isang iglap ay maaaring mabaliktad ang mundo. Na bawat isa sa atin ay kayang makamtan ang mga pangarap. Sa isang libro pa lamang ay nasubukan ko na ang iba't ibang buhay ng iba't ibang tao. Sa isang oras ng pagbasa ko ay nakapaglakbay na ako.
Ang mga libro ang nanghila sa akin at nag-"enflate" ng paglaki ng ulo ko. At ito, bumalik na ang dating ako. Kaya naman dito sa aking paaralan ang aking munting kahon ay ang aming silid-aklatan. Sanctuary ko ang aming silid-aklatan.
Minsan nga hindi ko na namamalayan ang oras. Madalas nga akong magpuyat dahil nais kong tapusin ang isang akda. Minsan napapa-isip din ako, na mapalad ako at hindi nangyari sa akin ang mga trahedya na nangyayari sa mga tauhan sa kwento.
Feel at home ako sa library, kulang na nga lang humilata ako at kumain sa loob pero syempre alam kong bawal iyon. Sobrang halaga ng library sa akin. Kulang ang isang paarlan kung walang library. Kasi sa library maraming utak na maaaring makatulong sayo. Ang mga libro rin na hinawakan ko ay nahawakan at nabasa na ng mga taong tanyag ngayon. Ang isang akda ay parte na rin ng kasaysayan, at habang binabasa ko, nagiging parte na rin ako ng kasaysayan.
Naniniwala ako na ang isang guro ay kailangang may utak, at ang parte ng utak niya ay ibabahagi niya sa mga kabataan. Ang layunin ko bilang guro ay mabawasan ang mga ignorante at mangmang, at paano ko kaya ito magagawa kung ako rin ay kabilang sa kanila. Alam kong munti pa lang itong kahon kong ito pero malaki ang impluwensya nito sa buhay ko.
Naniniwala ako na ang isang guro ay kailangang may utak, at ang parte ng utak niya ay ibabahagi niya sa mga kabataan. Ang layunin ko bilang guro ay mabawasan ang mga ignorante at mangmang, at paano ko kaya ito magagawa kung ako rin ay kabilang sa kanila. Alam kong munti pa lang itong kahon kong ito pero malaki ang impluwensya nito sa buhay ko.
Bakit kaya may notion na kapag nasa library ,e nerd agad. Ang sagot ko naman , " we are not nerd, we just tend to be smarter than you". Kaya kapag ikaw ay mahilig magbasa at nahihiyang pumunta sa library, huwag mong isipin ang hiya kasi sila ignorante ikaw hindi. Binabasa pa lang nila, nabasa mo na.
No comments:
Post a Comment