Sa buong buhay ko paaralan na ata ang pangalawang lugar na madalas kong puntahan. Bahay-eskwela, bahay-eskwela, iyan ang "routine" ko araw-araw. Marahil iniisip niyo na nakakasawa ito, pero para sa akin isa ito sa mga obligasyon ko bilang anak. Una akong nahahasa sa bahay pero malaki ang impluwensya ng aking paaralan sa akin. Kung ano ako ngayon ito ay dahil sa paghubog sa akin ng aking paaralan. Ako dati ay nakatago lang sa aking kahon, sa apat na sulok ng aking silid. Ni minsa'y hindi naisip na lumabas, ngunit dahil sa aking paaralan, ang dating cocoon ngayon naging paru paro na. Ang kulay ng aking pakpak ay ang kulay na naipinta sa akin ng aking paaralan. Kulay na nagmarka na, at ni kailanman ay dadalhin ko na hanggang sa aking pagtanda. Marahil ay nagtataka kayo kung ano nga ba ang mayroon sa aking paaralan. Tara at ating alamin sa blog na ito.
Nagsimula akong mag-aral dito noong nasa hayskul palang ako at hanggang kolehiyo dito na ako nag-aral. Tinatawag na BEACON OF WISDOM IN THE NORTH ang aming paaralan at hindi na ako nagtataka kung bakit. Maliban sa pagiging garantisadong mataas na kalidad ng edukasyon ay isa ring Catholic School ang aming paaralan. At dahil isa iong Catholic School mayroon kaming maliit na kapilyang matatagpuan sa paaralan. Ito ay bukas para sa lahat at mayroon din namang simba tuwing Linggo at kahit sino ay maaaring dumalo sa pagdiriwang ng misa.

Sa pagpasok palang sa aming paaralan ay makiita na kung gaanoalaga kagandang mag-aral dito dahil pambungad pa lang,ang turnstile at ang mga istriktong mga gwardya. Dito ay ita-tap mo lang ang iyong ID at makikita na ang iyong mukha sa monitor at ito na ang magsisilbing iyong attendance.


May maliit din na groto na matatagpuan sa tabi ng kapilya bilang pagpapakita ng debusyon sa Inang Birheng Maria. Araw-araw pinapalitan at inaalayan bilang pagpapakita ng debusyon at pagmamahal sa Ina.

Tuwing may free time ay maaaring tumambay sa cafe na matatagpuan sa bungad pa lamang ng aming napakagandang paaralan. May mga shades na maaaring pagkainan at kung saan ay maaaring makipag-usap sa mga kaibigan. Mababait din ang mga crew dito at habang nilalasap mo ang sarap ng iyong kinakain ay ma-eenjoy mo rin ang view ng grandstand namin.



Kapag nagkataon naman na mas hilig mong tumingin sa isda, fountain o umupo sa damo , sa PEACE GARDEN ka dapat magpunta. Dito kami madalas gumawa ng props at magpractice ng aming mga roleplays. May mga mesa at upuan din dito.

Garantisadong hindi ka naman male-late kapag ikaw ay nagmamadali dahil sa napakaluwang na hallway. Sinadya nilang gawing maluwang ito dahil ang pinaka-focus nila ay ang kapakanan naming mga estudyante. Bawat yapak ay makikita ang mga proyektong nagawa na ng aming paaralan. Mga pinagsikapan ng bawat guro at estudyante upang makamtan. Meron din kaming daanan na rin para sa mga disabled person dahil dito sa aming paaralan bawal ang diskriminasyon at bullying.
Kumpleto ang aming paaralan sa mga kailangan ng mga estudyante, kapag kailangan magkompyuter o magsearch , madali na lang iyan dahil sa silid-aklatan namin na napaka-hightech. Gumagamit ito ng OPAC or online catalogue kung saan mas pinadali na ang paghahanap ng libro. Maaari rin magkompyuter dito at kapag nais mong magdiscuss kasama ang grupo may discussion rooms din sa bawat palapag ,magpareserve ka lamang. Mayroon din kaming e-book o electronic book. Saan ka pa?
Mayroon din sariling gym ang aming paaralan na kung saan nagaganap ang P.E. classes. Dito din ginaganap ang mga pagdiriwang sa paaralan. Kumpleto ito, mula sa lightings at mga musika. May bleachers din ito kung saan ay magkakasya ang buong kolehiyo ng eskwelahan.
Iyan ang aking paaralan at ipagmamalaki ko ang bawat mayroon ang aming paaralan. Bawat sulok nito ay may mga alaalang nakatago. Bawat estudyante ay may sikretong naitago sa bawat pader ng paaralan. Saang pamilya ka man galing, ano man ang iyong naging nakaraan, sa aming paaralan ay tanggap na tanggap ka. Dahil sa aming paaralan , pamilya ang turingan. Kung nais pang malaman kung ano pa ang magagawang hiwaga ng paaralan namin sa paghulma sa iyong katauhan, bakit hindi subukan itong bisitahin kahit minsan lang, siguradong hindi ka magsisisi.
No comments:
Post a Comment